During the Pieta presscon last October 21, di naiwasan ni Ryan Agoncillo na matanong tungkol sa mga lalaking naugnay sa kanyang girlfriend na si Judy Ann Santos. Lalo pa tungkol sa comment na binigay ni Robin Padilla tungkol sa kanilang kasal. “You know, ‘yung sa akin nagsalita na si Juday and when I got to hear the whole issue ah, I knew I was gonna get asked about it at one point or another. Sa akin ang importante nagsalita na si Juday. Ah, nasabi na niya ang gusto niyang sabihin. Gusto na niyang tapusin ang issue. I think the lady’s words in this case are the most important. Sa akin, nabasa ko lahat ‘yan.” Sa tingin niya nagbibiro lang si Robin nu’ng may sinabi siya about Judy Ann? “You know, I mean, ako kasi Robin is Robin. Sa totoo lang, dumaan lang siya,. nabasa ko. Dumaan lang siya. I think there are better things in life.”
May nagsasabi na nakakalalaki raw kasi kung tutuusin para kay Ryan ‘yung mga sinabi ni Robin kay Judai since siya ang kasintahan ng aktres. “Mas marami pang mas importante sa buhay natin na kailangang asikasuhin. Ang mga salita na nabibitawan ng mga tao, in this case, nababasa pa natin sa iba. There’s so many things lost in translation that I didn’t even bother to dwell on it. I think mas nauna ko pa’ng nabasa kaysa malaman kay Judai ‘no.” Pero may nagre-react naman na bakit daw nu’ng si Piolo Pascual may sinabi tungkol kay Judy Ann ang tagal-tagal bago nila napatawad. Samantalang kay Robin na ‘di hamak daw nakakalalaki ang dating ay napakadali nilang napatawad. “Different people, different reasons, you know. Different issues all together. You know, sa akin, it’s not even ano, e., in the same arena. You know, natapos namin ’yun, okey na. Let’s not dwell on comparing you know, parang World War I, the same with World War II. Huwag na, Tapos na ‘yun, e,” diin pa ni Ryan.
Paano kung may offer na gumawa siya ng proyekto between Ryan-Judy Ann-Robin and Ryan-Judy Ann-Piolo with a good talent fee and story, alin ang pipiliin niya? “You know, pampakiliti lang ‘no? I will bother to answer that question when the offer is there. Hahaha! Let us cross the bridge when the bridge is there. Hahaha!” halakhak ni Ryan. “Sinasabi ko ‘yan with a lot of respect sa lahat ng kinuukulan. Saka natin pag usapan kapag nandyan na ‘yan.”
No comments:
Post a Comment